Hi, ako nga pala si Stef. Marami rami na akong blogpage, pero hindi ko ito masyado sinasapubliko maliban na lamang sa isa kong blog dun sa tumblr. Anyway, ito yung blog na parang pambagong yugto ng aking buhay.
Makalipas ang dalawng buwan na ako ay nag edad bente na, marami rami na ring mga nangyari. Nasa punto na ako ng pagiging adult pero yun nga, wala pa ring tiwala ang aking mga magulang sa akin sapagkat, napakabatang asal pa yung tingin ng mga magulang ko sa akin. Ang puno't dulo ng dahilang ito ay ang aking pagkapasaway. Tulad nang hindi pagbangon ng maaga sa umaga, pagkakamalimutin, pagiging tamad sa mga gawaing bahay at higit sa lahat ang talagang pagiging hindi masyadong masunurin sa kanilang mga utos. Eh syempre, nakakapagod din kaya kung sunod lng ng sunod sa utos. Kaya ayun, palagi kaming nag lalakasan ng boses sa tuwing may utos o mali ang naisagawang utos o may nagawang konting pagkakamali hanggang sa pinakasimpleng pagkatapilok dahil may nakaharang na mga libro sa dinadaan. Oo nga pala, napakaraming libro sa bahay namin, dahil mahilig si papa magbasa ng kung anu anung related sa Technology, Computer sciences, engineering, information technology, mga libro sa mathematika, statistics, mga law books at marami pang iba. Kaya mula nung nag sendong, iisa nalang ang aming kwarto at lahat nang kilos namin ay nababantayan.
No comments:
Post a Comment