Nung nagsimula na yung seminar, magkatabi kami sa upuan. Samantalang ako ay nasa upuan, napaisip ako bigla na ano kaya mangyayari pag hinawakan niya kamay ko. Kase na fefeel ko yung balikat niya natotouch sa balikat ko eh, ang sikip mejo ng seating arrangement. Palaging nagkukulitan, nagtatawanan. Ang cute cute pa naman ng mga mata niya lalo na pag ngumingiti niya. Ayun lang, hindi naman ako isang bitch na pumapatol sa isang lalakeng alam kong may karelasyon na.
Oo nga pala, may girlfriend na yung crush ko. Hindi ako yung nagbisto sa kanya, kundi mismo yung guro namin sa Filipino. Umabot kase kami sa topic na kung paano at anu ang mga mangyayari pag nanliligaw ang isang lalaki, kaya ayun. Sabi niya may girlfriend na siya, 2 years na sila.
Yung reaksyon ko nun, patay mali. Nasanay na rin ako dahil halos lahat ng lalaking nagustuhan ko, tinaboy bigla sa hangin at bumalik sa kanilang mga ex o di kaya'y hindi ako tinrato ng maayos o kaya'y biglang may ibang babaeng gusto. Ganun ang buhay eh. Sino ba naman ako? Kase naniniwala ako, na kung para sa akin talaga yung isang tao, para sa akin talaga, walang pwersa sa isa't isa ang gawin ang kung anu anong bagay. Basta. Alam ko namang mag hintay.
Pagkatapos ng seminar, hindi na kami nagsabay kasi may kaibigan ako, batchmate ko. Sumama ako sa batchmate ko, kay Janelle. At tumambay ako sa Chowking kase may favor kasi si Quinee saken. Di ako kumain sa Chowking kasi konti nalang pera ko at busog pa naman ako sa snacks na inoffer nung nag seminar kami.
Kinumusta ko yung mga kaibigan ko sa dating college ko sa SCS ( skwelahan ng kompyuter studies). Ayun, nanuod kami ng The Conjuring. Hahahahaha. Natawa ako kase napakamatataukitin pala nila Grace, Janelle, at Lea sa mga ganoong uri ng horror movies. Hahahaha. Ako rin naman, nangyareng second time around ko na yung napanood. Nakakatakot yun panoorin pag mag isa pero, kahapon kase ang dami namin, more than one tapos ganoon pa reaksyon nila. Ang cute lang!
Nung pauwi na ako, sumama ako kay Janelle sa mall kase raw magbabayad siya ng kuryente. Medyo mataas pa yung pila kaya sabe ko may pupuntahan muna ako. Pumunta ako sa seksyon na kung saan may nakadisplay na baso. Sa gulong ng panahon, may dalawa akong naging naclose na kaibigan, sina Kuya Pj at si Ejed,taga St. Peter's College pala sila. Ang babait nila sa akin, may halos kapareha kaming pinagdaanan, yung niloko ng partner. Although ako, isa lang talaga naging bf ko. Wala rin kasing opisyal na nangyaring kasunduan sa amin ni Earl. Kung sino si Earl, malalaman mo rin yan. Eh kasi, masakit din maloko diba. Kaya ayun, naghahanap ako ng pwedeng i gift kina kuya Pj at Ejed. Kahit maliit na bagay ngunit may value talaga. At habang naghahanap ako ng pwedeng i gift sa kanilang birthday, napunta ako sa mga section ng about bible verses. Amazing talaga ang Panginoong Diyos at doon pa niya ako hinatak. Napunta rin ako sa maliliit at cute na boxes ng gift na pwedeng malalagyan ng maliliit na bagay tulad ng singsing at kung anu anu pa. Naalala ko si Earl, may kapareho kasing box doon na ibingay ko sa kanya na gift eh. Ayun, nag emergency text na si Janelle at nagmamadali akong bumaba mula sa 3rd floor.
Ayun, pumunta kami sa simbahan. Akalain mo nga namang may naabutan kaming nagkasalan? Ayun lang... Parang may meaning yun pero di ko alam kung ano. At paglabas namin sa simbahan ay may nakita akong I <3 NY na tshirt. Eh, nga pala, NY tawag ko sa long distance boyfriend ko. Ewan ko ba. Napaisip ako bigla kung kumusta na siya, chinat niya kase bigla ako kagabi eh, na wrong send ata siya sa facebook. Di ko alam kung na wrong send o nagpapapansin. Ayun, kinamusta ko naman. Pero pilosopo pa rin, kaya natulog na ako, wala nang masyadong pag uusapan eh.
Huminto kami ni Janelle sa may Victoria at bumili ng napakasarap na hilaw na mangga bago umuwi. At yon, umuwi ako ng maaga. Wala pang 6pm nun!
No comments:
Post a Comment