Ibabahagi ko muna ngayon ang kasalukuyang nagyayari sa aking buhay habang ito ay masyadong fresh pa simula kaninang umaga.
Eto nga diba, masasabi ko na NBSB ako slightly kase iisa lang talagang naging boyfriend ko since birth, nangyareng sa online at text lang yun, Noriel ang pangalan nung ex ko. Taga Manila siya at ako naman ay taga Mindanao. Sa napakaraming sirkumstansya, sa mahigit na dalawang taon ay nagtapos ang aming relasyon, walang opisyal na kumbersasyon na ayaw na namin sa isa't isa ngunit ang hindi pag keep intouch ay yun yung naging senyales.
Nga pala, hindi mo ako ma jujudge na immature ako dahil never pa ako nagkaboyfriend sa totoong buhay. Kung binabasa mo ito ngayon, ay hindi mo pa ako masyadong kilala kung sagayon.
Augusto 17,2013
May crush ako, at ito ang nagyari sa araw na ito.
Kaklase ko siya sa Filipino 1 at nangyaring magkatabi pa kami sa seating arrangement, di ko yung inaasahan. Basta, ikukwento ko nalang kung paano kami nagkakamabutihan.
May seminar kami sa Filipino, ukol sa pagpapahalaga sa buwan ng wika. May thesis appointment kase ako pagkahapon kaya yung morning schedule yung pinili ko at may class si crush ko pagka 3pm ng hapon.
Kaninang umaga nagtext siya.
Crush ko sa Filipino: ate, san ka na?
Ako: nasa jeep pa ako. Malapit na.
Ako: uy, nagstart na?
Ako: san ka?
Ako: san tau? Anong room?
Grabe walang reply.
Ayun, nasa school na ako. Nagtext siya.
Crush ko sa Filipino: cge, aantayin kita dito sa cass ( kolehiyo ng arts at social sciences)
Naglalakad pa lamang ako sa pathway, nakita ko na siya agad. Dun mismo sa front ng Cass. Ay grabe naman, ang cute cute niya kanina. Yung sinuot niya yung khaki pants niya at simpleng v neck na white shirt tapos with matching earphones. Yung kutis niyang pinkish white na nag goglow pag nasisinagan ng araw at yung mga maliliit at cute na intsik niyang mata na wari may pinapahiwatig pero pilit kong hindi binibigyan ng kulay sapagkat ayoko ko munang mag assume kung ano ba talaga.
Yun, nakita ko na siya. Papalakad na ako patungo sa kanya, feel na feel ko na naglalakad ako sa red carpet sabay suot ng wedding dress at feel na feel ko na siya yung groom na naghihintay sa akin dun malapit sa pari ng simbahan. Natawa ako sa sarili ko habang papalakad at bigla akong umiwas at lumiko ng konti sa daan kung saan hindi niya ako makikitang naglalakad patungo sa kanya. Maay halong pagkahiya ang aking naramdaman kaya tinabunan ko ang aking bibig ng aking mga kamay ngunit ngumingiti ang aking mga matang tumitingin sa kanya. Aba talaga, at hinintay niya talaga akong lumapit sa kanya. Ang bango bango niya!!!
Magkatabi kami sa conference room.
No comments:
Post a Comment